Sa unang Lunes ng Agosto, nakibahagi ang City General Services Office sa Flag Raising Ceremony sa Tagbilaran City Hall kasabay ng pagsisimula ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026.
Ang pagtaas ng ating watawat ay paalala ng ating pagmamahal sa bayan, habang ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay nagbibigay-pugay sa wikang Filipino bilang mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan, kultura, at pagkakaisa bilang mga Pilipino. Mabuhay ang Wikang Filipino!
